^

Police Metro

Tomador nahulog sa 4th floor, tigok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang tomador makaraang sumampa sa veranda sa 4th floor ng kanilang tahanan upang magpahangin at magpahinga pero minalas na mahulog sa Balut, Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center dahil sa matinding pagkabagok ng kanyang ulo ay nakilalang si Danilo Oquina , 45, may asawa, residente ng Parola Compound, Tondo Maynila.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:20 ng hapon  nang maganap ang insidente sa Building 25,  Unit 403 Permanent Housing,  Balut, Tondo.

Ayon sa  kaanak at saksing  si Rudy Oquina, 42 ,  lasing na  ang biktima at  nagawang umupo sa pasamano o gilid ng veranda ng nasabing gusali para makapagpahinga subalit nawalan umano ng balanse kaya bumulusok ito sa ibaba at tumama sa sementadong kalsada.

 

vuukle comment

AYON

DANILO OQUINA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

PAROLA COMPOUND

PERMANENT HOUSING

RONALD GALLO

RUDY OQUINA

TONDO MAYNILA

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with