^

Police Metro

Kahit itinaas sa P2-M ang reward… ‘Big 5’ bigo pa rin maaresto!

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bigo pa rin ang mga law enforcement agency sa bansa na madakip ang tinaguriang ‘Big 5’ sa ka­bila ng pagtataas sa P2 milyon ang reward laban sa kanila bunsod na rin umano ng ‘culture of impunity’ sa bansa.

Ayon kay Apostolic Vicariate of Puerto Prin­cesa Palawan Bishop Pedro Arigo bagama’t umaasa ito na makakatulong ang nasabing halaga upang madakip sina dating Pa­lawan Governor Joel Reyes at kapatid na si da­ting Coron Mayor Mario Reyes, kapwa itinutu­ring na mga  pangunahing suspek sa pagpaslang sa environmentalist at mamamahayag na si Dr. Gerry Ortega.

Ayon kay Bishop Arigo, makakatulong ang naturang salapi para mahuli ang magkapatid na Reyes, subalit naniniwala siyang hindi ito ang solusyon para mahinto ang ‘culture of impunity’ sa bansa.

Binigyan diin ng Obispo na ang pagpapa­tupad ng batas na patas at walang palakasan ang solusyon upang mapanagot ang mga maimplu­wensiyang pulitiko at indibidwal na nasasangkot sa krimen.

Hinimok din ng Obis­po ang pamahalaan na tuldukan na ang katiwalian sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nagi­ging daan ng sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno at mga wanted sa batas.

Nauna rito ay inihayag ng Department of Justice (DOJ) na magbibigay sila ng 2-milyong reward sa sinumang makapagtuturo para mahuli ang “Big 5 fugitives na sina dating Army General Jovito Palparan, dating Congressman Ruben Ecleo, negos­yanteng si Delfin Lee, dating Palawan Gov. Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes na pawang wanted sa batas bunsod ng iba’t ibang kaso.

vuukle comment

APOSTOLIC VICARIATE OF PUERTO PRIN

ARMY GENERAL JOVITO PALPARAN

AYON

BISHOP ARIGO

CONGRESSMAN RUBEN ECLEO

CORON MAYOR MARIO REYES

DELFIN LEE

DEPARTMENT OF JUSTICE

DR. GERRY ORTEGA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with