^

Police Metro

Misis pinatay sasakal ni mister

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mga palahaw na iyak ng dalawang musmos mula sa loob ng isang silid ng isang hotel ang naging susi para matuklasang patay na ang kanilang ina, na umano’y sinakal ng straw rope ng kanilang ama kahapon ng hapon, sa Sampaloc, Maynila.

Hindi pa kilala ang biktimang nasa edad 30-35 anyos, nasa 5’2 hanggang 5’3 ang taas, mahaba ang buhok, katamtaman ang pangangatawan, may tahi sa tiyan, na indikasyong nakapagsilang sa pamamagitan ng caesarian section, kayumanggi , makasuot ng kulay dark blue na t-shirt at maong na pantalon.

Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad ang na­ire­kord na kuha ng Closed Circuit Television (CCTV) upang mamukhaan ang suspek na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Posibleng ang mismong ama ng dala­wang batang sina “Von” at “Yeye”, nasa 3 at 4 na taong gulang, ang pumaslang sa  biktima.

Sa inisyal na imbesti­gasyon ni PO3 Cris Ocam­po ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:15 ng hapon nang madiskubreng patay na ang babaeng okupante ng Room 20 ng Beehive Travellers Inn, na matatagpuan sa #3085 Vicente Cruz corner Ramon Magsaysay Sts., sa Sampaloc, Maynila.

vuukle comment

BEEHIVE TRAVELLERS INN

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

CRIS OCAM

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PINAG

POSIBLENG

RAMON MAGSAYSAY STS

VICENTE CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with