Shabu queen nadakip
MANILA. Philippines - Nadakip ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang babae na hinihinalang bigtime drug pusher ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr. ang suspek na si Norhata Unda, 29-anyos, residente sa Alabang, Muntinlupa City.
Ang suspek ay nadakip noong Lunes ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) at PDEA Regional Office-National Capital Region sa isinagawang operasyon sa Quezon City, bandang alas-8:45 ng gabi matapos bentahan umano nito ng 2 sachet ng shabu na may bigat na 50 gramo ang poseur buyer ng PDEA kapalit ng halagang P500 marked money.
Ang suspek ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest