^

PM Sports

Lady Chiefs namumuro

Pang-masa
Lady Chiefs namumuro

Dumipensa si Jovielyn Prado ng Arellano sa atake ni Cindy Imbo ng Perpetual. PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Ipinamalas ng Arellano University ang kanilang kalibre bilang reigning women’s champion matapos gapiin ang University of  Perpetual Help, 22-25, 19-25, 25-21, 25-20, 15-5 kahapon para makalapit sa unang Final Four spot ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center  sa San Juan City.

Bumawi si Jovielyn Prado mula sa ipinosteng 3-puntos sa nakaraan nilang laro at umiskor ng 20 puntos habang nagdag-dag sina Andrea Marzan at Regine Anne Arocha  ng 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod upang pangunahan ang Lady Chiefs sa pang-anim na sunod na panalo.

Sa kabuuan ay may 18-sunod na panalo na ang Arellano mula noong nakaraang season.

“Gusto sana naming maka-sweep para meron kaming advantage. Pero kailangan pa naming ipanalo ‘yung mga susunod naming laro,” ani Arellano coach Obet Javier na tinutukoy ang San Beda, San Sebastian at CSB. 

Sa naunang women’s match, nakapagtala ng unang back -to-back wins ang last season runner up sa women’s  division na San Sebastian College matapos pataubin ang Mapua University, 25-20, 25-7, 29-31, 25-14.

Nakabawi ang Lady Stags mula sa dikdikang pagkabigo nila sa third frame upang maangkin ang ikalawang sunod na panalo na nag-angat sa kanila sa 3-2,  panalo-talo.

Nagtala ng game-high na 26-puntos si Joyce Sta.Rita na kinabibilangan ng 22 hits at 4 blocks upang pangunahan ang nasabing panalo.

Nag-ambag naman ng 17-puntos si Nikka Dalisay na sinundan nina Daurene Santos at Dangie Encarnacion na may 11 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod.

Dahil sa pagkabigo, bumaba naman ang Lady Cardinals sa ilalim ng standings kapantay ng Emilio Aguinaldo College na wala pang panalo matapos ang limang laban.

Nauna rito, winalis ng Cardinals ang Stags para sa ikatlong panalo nila sa men’s division, 26-24, 25-16, 26-24.

Bunga nito umangat sila sa ikalawang puwesto taglay ang barahang 3-1, panalo -talo habang bumaba naman ang Stags sa kabaligtarang kartada. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with