^

PM Sports

Wang’s-Letran nakihilera sa unahan

Pang-masa
Wang�s-Letran nakihilera sa unahan

Tinatakasan ni Bonbon Batiller ng Wang’s-Letran ang dumidepensang si Philip Manalang ng AMA Online sa isang tagpo ng kanilang laban. PBA D-League Image

MANILA, Philippines — Humanay ang Wang’s-Letran sa pamumuno matapos ang 93-75 panalo kontra sa AMA Online Education kahapon sa 2018 PBA D-League Aspirants Cup sa Pasig City Sports Center.

Sa umpisa lamang nakatikim ng kalama-ngan ang Titans nang buksan nila ang first quarter sa pamamagitan ng 4-0 run ngunit gumanti ang Couriers ng 9-0 run upang agawin ang bentahe na hindi na nila binitawan hanggang matapos ang laban.

Mula sa tatlong puntos na kalamangan sa first quarter, pinalaki ito ng Wang’s sa 44-35 sa halftime at pinalobo sa pagtatapos ng third quarter, 67-52.

Tuluyan nilang ibinaon ang Titans sa fourth quarter kung saan uma-bot pa sa 22-puntos ang kanilang bentahe, 81-59.

Pinangunahan ng transferee mula sa UE na si Bonbon Batiller ang panalo sa itinala nitong 15-puntos kasunod si JP Calvo na may 13-puntos.

Nasayang naman ang game high na 20-puntos ni Michael Ca?ete dahil bigo siyang ipanalo ang Titans.

Sa ikalawang laro,  nakabalikwas ang Zark’s Burger-Lyceum sa na-tamong kabiguan noong opening day sa kamay ng Marinerong Pilipino makaraang igupo ang Batangas-Emilio Aguinaldo College, 112-75.

Nagtala ng double-double na 21-puntos  at 10 rebounds si reigning NCAA  MVP CJ Perez, 12-dito ay  isinalansan niya sa third canto kung saan kumawala ng tuluyan ang Jawbreakers at iposte ang 84-47 bentahe patungo sa huling 10 minuto ng laro mula sa 48-33 kalamangan noong first half.

Tumapos ng double-double na 15-puntos at 10-rebounds si MJ Ayaay gayundin si Mike Nzeusseu na may 14-puntos at 11 rebounds para sa Pirates.

Nanguna naman para sa Generals sina Earvin Mendoza at Cedric de Joya na may tig -15 pintos. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with