^

PM Sports

SMBeer tangka ang pang-5 3-players pinagmulta

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung nakaligtas sina NLEX coach Yeng Guiao at guard Chris Ross ng nagdedepensang San Miguel sa malaking multa at suspensyon, hindi naman sinuwerte sina Kia power forward Eric Camson, Rain or Shine center Raymond Almazan at forward Michael Miranda ng NLEX.

Kahapon ay pinagbayad ng PBA Commissioner’s Office si Camson ng P30,000 at P20,000 naman kay Almazan bukod pa sa kanilang one-game suspension.

Nagrambulan sina Camson at Almazan sa huling 3:01 minuto ng second period sa larong nailusot ng Picanto kontra sa Elasto Painters, 98-94 noong Sabado sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Multang P20,000 naman ang ipinataw kay Miranda bukod pa ang one-game suspension dahil sa kanyang flagrant foul penalty 2 laban kay Ross noong Biyernes.

Samantala, nakatakdang sagupain ng Beermen ang mainit na Globalport Batang Pier ngayong alas-7 ng gabi matapos ang laro ng Meralco Bolts at Kia Picanto sa alas-4:30 ng hapon sa 2018 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Target ng San Miguel ang pang-limang sunod na panalo matapos patumbahin ang Phoenix, 104-96, Meralco, 103-97, TNT Katropa, 88-76 at NLEX, 109-98.

Mula naman sa 0-2 panimula ay pinasuko ng Globalport ang Rain or Shine, 78-70 at Blackwater, 101-76 sa likod ng average na  25.5 points per game ni Stanley Pringle.

Sa unang laro, puntirya ng Kia, tinapos ang 16-game losing skid mula sa 98-94 panalo kontra sa Rain or Shine, ang kanilang ikalawang sunod na ratsada laban sa Meralco.

“I’m very happy for our team. This will go a long way in our rebuilding of our ballclub,” wika ni Picanto mentor Ricky Dandan, ipaparada si scoring guard Carlo Lastimosa sa pagsagupa nila sa Bolts na nasa isang three-game losing skid.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with