^

PM Sports

Balik na ang pisikalan

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Pansin na pansin na nitong mga huling PBA games na bumalik na ang pisikalan o barakuhang laro.

Balik ang excitement at balik ang drama. Ito ang consensus ng mga nakapuna mula sa mga kakosa ko sa Bagbaguin Elite Seniors Monday Club sa Bagbaguin, Valenzuela.

Pero siyempre mayroong papabor at hindi papabor sa pagbabagong ito. May makakakuha ng advantage at may mga teams na madi-disadvantage.

Syempre, lamang sa barakuhan ang mas malalaki at ang mahilig sa pressure defense.

Dati, medyo mas madaling gumiba ng press dahil pinipituhan ang touch fouls. Puwede ang arm bar pero pipituhan na kapag ipinang-puwersa mo ito.

Sa unang bugso ng 2017-18 PBA Philippine Cup, bumandera agad ang San Miguel Beer (4-0), Magnolia (4-1), Alaska Milk (3-2) at TNT KaTropa (3-2). Ang pagkakapareho nila ay pawang masigasig silang gumamit ng press sa ball handlers ng kalaban.

Hindi pa sigurado si TNT coach Nash Racela kung pabor sa kanyang koponan ang pagbabalik ng PBA sa no-harm, no-foul rule.

“Hindi pa kasi namin nakakalaban ‘yung malalaking team. Puro kasing-laki pa lang namin ang nakalaban na namin. So we’ll see,” aniya.

Actually, nakatapat na ng TNT ang San Miguel Beer. Bigo ang mga Texters, 76-88.

Giba naman ang Barangay Ginebra sa Alaska, 83-9, dahil nawala ang mala-king bentahe nila sa frontcourt sa injuries na pinapagaling nina Greg Slaughter at Joe Devance.

Diyeta si Japeth sa 12 points at five rebounds sa kanilang talo sa Alaska.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with