^

PM Sports

Antetokounmpo 2-games na ‘di makakalaro

Pang-masa

MILWAUKEE -- Ma-tapos konsultahin ang performance staff ng Bucks, hindi makikita sa dalawang laro ng Milwaukee si All-Star forward Giannis Antetokounmpo para maalis ang pamamaga sa kanyang kanang tuhod.

Dahil hindi magla-laro laban sa Philadelphia 76ers at Phoenix Suns ay magkakaroon si Anteto-kounmpo ng walong araw na pahinga.

Nauna nang naupo si Antetokounmpo sa dalawang laro ngayong season dahil sa pananakit ng kanyang kanang tuhod.

Balak niyang bumalik sa court sa Enero 26 sa pagsagupa ng Bucks kontra sa Brooklyn Nets sa BMO Harris Bradley Center.

Sa kanyang pang-limang season ay inangkin ni Antetokounmpo ang No. 1 spot sa minutes played (37.4) at ikalawa sa scoring sa kanyang ave-rage na 28.2 points per game bukod pa ang mga career-highs sa rebounds per game (10.1) at field goal percentage (.546).

Siya lamang ang isa sa limang players sa liga ngayong season na nagtatala ng mga averages na 20.0 points at 10.0 rebounds per game.

Malaki din ang tsansa niyang makasama si Kareem Abdul-Jabbar bilang mga players sa Bucks history na nagposte ng mga averages na 28.0 points, 10.0 rebounds at 4.5 assists sa isang season.

Noong Huwebes ay hinirang si Anteto-kounmpo bilang starter para sa 2018 NBA All-Star Game at ang unang Bucks player matapos si Marques Johnson (1979-80) na naging starter sa ikalawang sunod na All-Star Games.

Nakatakda ang 67th NBA All-Star Game sa Pebrero 18 sa Staples Center sa Los Angeles.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with