^

PM Sports

Texters kumonekta

Russell Cadayona - Pang-masa
Texters kumonekta

Iniwanan ni RR Garcia ng TNT Katropa si Jared Dil­linger ng Meralco. (PBA Images)

MANILA, Philippines — Bagama’t noong Sa­bado pa nagdiwang ng kan­yang ika-26 kaara­wan si Troy Rosario ay may dahilan pa rin siya pa­ra magsaya.

Kumamada si Rosario ng 22 points, kasama dito ang 6-of-10 shooting sa three-point line, para tulungan ang TNT Katro­pa na patumbahin ang Me­ralco, 99-81, sa 2018 PBA Philippine Cup ka­ha­pon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ito ang ikalawang di­kit na panalo ng Tropang Texters kasabay ng pag­papatikim sa Bolts ng pa­ngatlong dikit na kama­lasan.

Sinamantala TNT Ka­tropa ang pag-upo ng mga may injury na sina Me­ralco big man Rani­del De Ocampo at Cliff Hodge.

“We knew going to this game that Meralco was undermanned, so ang mentality namin was to really take advantage of that,” sabi ni Tropang Texters’ head coach Nash Racela sa Bolts ni one-time PBA Grand Slam champion mentor Norman Black.

Nagdagdag si guard RR Gar­cia ng 18 points, habang umiskor ng 15 at 12 markers sina RR Po­goy at Jayson Castro, ayon sa pagkakasunod.

“Pagpasok namin sa game kami ang team na may pinakamababang field­goal shooting, kaya ka­ilangan talaga naming magtrabaho nang husto,” sabi ng 6-foot-7 na si Rosario.

Kaagad kinuha ng TNT Katropa ang 16-3 bentahe mula sa triple ni Rosario sa 6:29 minuto nito patungo sa pagtatala ng 34-18 kalamangan sa 9:35 minuto ng second pe­riod hanggang ilista ang 22-point lead, 92-70.

TNT KATROPA 99 - Ro­sario 22, Garcia 18, Po­goy 15, Castro 12, Reyes 10, Se­merad 10, Hernandez 3, Carey 3, Williams 2, Torres 2, Tautuaa 2, Onwubere 0, Golla 0.

Meralco 81 - Amer 20, Dillinger 14, Canaleta 11, Tolomia 8, Newsome 6, Lanete 5, Hugnatan 4, Bono 4, Ballesteros 3, Faundo 3, Baracael 2, Se­du­rifa 1, Salva 0, Caram 0.

Quarterscores: 27-18; 46-36; 73-62; 99-81.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with