St. Benilde kampeon sa NCAA football
MANILA, Philippines — Tinalo ng College of St. Benilde ang Arellano University sa penalty shootout, 2-1 upang maiposte ang 3-2 panalo at tapusin ang kanilang 8-year title drought sa pagtatapos ng NCAA Season 93 men’s football tournament sa Rizal Memorial pitch.
Nagtagumpay sa pagharang si goalie Jake Vicen sa attempt ni Roberto Corsame, Jr. sa shootout upang tulungan ang Blazers sa 2-1 pagtapos sa title series at pag-angkin ng ika-4 na titulo nila sa liga.
Ang tagumpay ang ikalawa para sa head coach nang koponan na si Marlon Maro, mula nang maupo ito noong 2003.
“The players deserve this cham-pionship,” wika ni Maro.
Naunang umiskor ang Blazers matapos ang goal ni Miguel Alfonso Artillera sa 38th-minute bago ito naitabla ni Corsame, dating national under-23 standout, tatlong minuto pagkasimula ng second half.
Mula doon, hindi na naka-goal ang magkabilang panig hanggang muling umabot ang laro sa penalty shootout.
Bigo si Earl Real Laguerta ng CSB sa kanyang attempt, na nagbigay daan para makalamang ang Chiefs, 2-1 sa shootout, ngunit di na nakaiskor pa ang mga nalalabing strikers nila habang nag- deliver naman para sa Blazers sina Renz Joseph Tulayba at Major Dean Ebarle.
Naging klasiko ang natapos na series dahil lahat ng laro ay umabot ng extra time at nagwakas sa penalty shootouts.
Unang nagwagi ang Arellano sa series opener, 3-2, bago winalis ng CSB ang Game Two at Game Three. (FML)
- Latest