^

PM Sports

Napangiti si Uytengsu

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Ang tema ng aking report sa kalilipas na Alaska-Kia game ay inaasahang pupukpok ng husto ang mga Aces dahil sila ang pinaka-vocal na team sa pagkwestiyon sa kontrabersyal na trade deal sa pagitan ng Kia at San Miguel Beer.

“I had to smile with your opening line,” ani Alaska team owner Wilfred Uytengsu sa kanyang text message sa akin matapos niyang mabasa ang aking artikulo sa Philippine STAR.

At patuloy na nandigan si Uytengsu sa kanyang pagkontra sa nangyaring transaksyon.

“It’s unfortunate a team traded away its potential and for no explainable reason,” ani Uytengsu.

Dahil sa trade na iyon, paniwala ni Uytengsu na malaking trabaho ang dapat gawin ng PBA para maibalik ang integridad ng liga.

Sinamantala ko na rin ang pagkakataon na itanong sa kanya kung may nasa isip ba siya kung sino ang karapat-dapat na maging susunod na PBA commissioner.

“Need to review the list still. Simple answer is the person who will protect the league and not favor any team or teams with dubious trades,” sagot ni Mr. Wilfred.

***

Patuloy ang pagbilis ng takbo ng laro ng PBA dahil sa mga pagbabagong proseso na ipinapatakbo ng PBA technical team ngayon.

“Two hours or less na ang haba ng games ngayon. Kasi inayos namin ang maraming bagay na nakakapag-delay ng laro,” ani technical chief Eric Castro.

“Isang bagay yung pag-alis ng touch fouls. Ang policy ngayon ng PBA ay hahayaan namin ang mga players na maglaro, pero hindi namin papayagan na magsakitan sila,” dagdag pa ni Castro.

Gusto naman ni PBA officer-in-charge Willie Marcial na maging decisive ang mga referees at manindigan sa kanilang mga tawag.

“Hindi kagaya dati na tawag agad ng flagrant foul then review ng tape. Pag-review ng tape regular foul lang naman pala. Dati ayaw nilang manindigan at la-ging nagre-rely sa review,” paliwanag ni Marcial.

So far, walang alingasngas sa officiating sa current PBA season. Hindi naman umaasa si Marcial sa perfect officiating.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with