^

PM Sports

Lady Altas solo sa 3rd

Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinolo ng University of Perpetual Help ang ikatlong puwesto sa women’s division matapos makopo ang ikatlong panalo sa pamamagitan ng pag-ungos sa  Emilio Aguinaldo College , 22-25, 25-19, 25-14, 23-25, 15-13  kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa FilOil Flying V Center.

Umiskor si Cindy Imbo ng 17 puntos kabilang ang mga  clutch hits sa fifth at decider set upang giyahan ang Lady Altas sa ikatlo nilang panalo sa loob ng apat na laro.

Umakyat ang tropa ni coach Macky Cariño sa solong pangatlong puwesto kasunod ng mga hindi pa natatalong Arellano U (4-0) at San Beda (3-0).

Sa naunang laro sa men’s division, winalis ng University of Perpe-tual Help System Dalta ang  Emilio Aguinaldo College, 25-14, 25-19, 25-11 upang makatabla  ng   Arellano University sa pamumuno.

Namuno  si  team skipper Rey Taneo at  nakababata nitong kapatid na si Sean Taneo sa  naturang panalo sa itinala nilang 12 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod.

Kahit nakapagtala na ng apat na panalo,  gusto pa rin ni Altas coach Sammy Acaylar  na manatiling gutom sa panalo at kumayod pa ng husto ang kanyang koponan para mapaghandaan ang laban nila kontra sa Arellano at defending champion St. Benilde na itinuturing na mga ba-lakid sa kanilang   championship bid.

“I kept telling them to train and prepare harder and not lose focus because we’ve only played four games,” ayon kay  Acaylar.

Ang Generals na pinangunahan  ni  Joshua Mina na may 13 puntos ay nalaglag sa patas na barahang 2-2.

Sa unang laro sa junior’s division, sinorpresa ng  EAC Brigadiers ang  reigning titlist Perpetual Help, 25-18, 25-23, 27-25 upang makasalo ng CSB-La Salle Greenhills sa pangingibabaw hawak ang malinis na barahang  3-0. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with