^

PM Sports

Susubukan ng NLEX ang SMBeer

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tanging ang nagdedepensang San Miguel na lamang ang koponang hindi pa natatalo sa 2018 PBA Philippine Cup.

At susubukan ng NLEX Road Warriors na ipalasap ang unang kabiguan ng Beermen sa kanilang salpukan nga-yong alas-7 ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“We’ll prepare hard for them,” sabi ni NLEX coach Yeng Guiao sa San Miguel, magkakasunod na pinatumba ang Phoenix, 104-96, Meralco, 103-97 at  TNT Katropa, 88-76 para solohin ang liderato ng season-opening conference.

“Importanteng maka-puhunan ng panalo,” wika naman ni Leo Austria sa kanyang mga Beermen, muling pangungunahan nina four-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, one-time PBA MVP Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter at Chris Ross.

Pipilitin ng Road Warriors na makabangon mula sa 94-105 kabiguan sa Magnolia Hotshots kung saan kumolekta si rookie sensation Kiefer Ravena ng 31 points, 5 assists, 4 rebounds at 4 steals noong Linggo.

Ayon kay Guiao, para talunin ang San Miguel,  hindi lamang si Ravena ang dapat kumamada. “With our system, we always won more games when more people got involved and more people scored in double figures,” aniya.

Sa unang laro sa alas-4:30 ng hapon ay pupuntiryahin naman ng Globalport ang kanilang ikalawang sunod na arangkada sa pakikipagtuos sa Blackwater.

“Hindi puwedeng pang-third quarter lang kami or 45 minutes lang. Ngayon 48 minutes of good basketball,” sabi ni coach Pido Jarencio matapos ang 78-70 panalo ng Batang Pier laban sa Rain or Shine Elasto Painters noong Enero 12.

Nakalasap naman ang Elite ni coach Leo Isaac ng 83-92 pagkatalo sa Tropang Texters noong Miyerkules.                                                                               

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with