^

PM Sports

Unang panalo ng Marinero

Pang-masa
Unang panalo ng Marinero

Nasa larawan ang buong koponan ng Marinerong Pilipino sa parade of teams kasama ang kanilang muse na si Beatriz Escudero sa PBA D-League opening. PBA D-League photo

MANILA, Philippines — Nagamit ng Marinerong Pilipino ang kanilang bentahe sa karanasan upang magapi ang Zark’s Burger-Lyceum,  94-91 kahapon sa pagbubukas ng 2018 PBA D League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Naiwan ng dalawang puntos sa pagtatapos ng first period,  isinara ng Skippers ang second period sa pamamagitan ng 12-0 blast upang agawin ang kalamangan at iposte ang halftime lead na 47-34.

Lumobo pa ang bentahe sa 17-puntos,  51-37 kasunod ng itinugon nilang 7-0 run sa 3-pointer ni MJ Ayaay sa bungad ng second half.

Nakalapit ang Jawbreakers sa 85-87, may 1:45 pang natitira sa laban matapos ang 16-7 run sa pagtutulungan nina CJ Perez,  JC Marcelino at Ayaay.

Ngunit hanggang doon na lamang ang pinakamalapit nilang inabot dahil ‘di bumitaw ang Skippers sa kapit nila sa lead upang maangkin ang panalo na sinelyuhan ng apat na free throws ni Renzo Subido.

“We’ve known Topex (Robinson)  since he was still playing at nakasama na rin namin siya ng maraming beses and we knew kung ano ang laro ng coach ganundin ang laro ng players, kaya alam na-ming they will never give up,” pahayag ni Skippers coach Koy Banal.

Pinangunahan ni Subido ang unang panalo ng Marinero sa ipinoste niyang 20-puntos,  5-assists at 3 rebounds.

Sa kabilang dako,  na-nguna naman si Marcelino at Perez para sa Pirates sa itinala nilang 20 at 19 puntos ayon sa pagkakasunod.

Samantala, naglala-yon na mas mailabas  ang ipinagmamalaking husay ng mga Pinoy  basketball players,  bibigyan ng PBA ng pagkakataon ang mga ito na maipamalas ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng pagdaraos ng kauna-unahang PBA D-League Showdown sa huling bahagi ng  Aspirants’ Cup.

Sa pagbubukas ng  8th season ng D-League,  sinabi ni PBA officer-in-charge Willie Marcial na inaasahan nilang magi-ging dagdag na motivation ito para sa mga basketbolistang kalahok sa liga para mas pagbutihan pa ang kanilang paglalaro.

“Ginagawa naman natin ito para mas galingan ng mga players natin para rin maipakita nila yung tunay nilang talento,” ani Marcial sa  opening cere-monies sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ayon kay Marcial, may planong magdaos ng two-day summit para sa mga players na lalaro. (FML)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with