^

PM Sports

Phoenix ‘di kinaya ang Rain or shine

Russell Cadayona - Pang-masa
Phoenix �di kinaya ang Rain or shine
Dumipensa si Ed Daquioag ng Rain Or Shine laban kay Karl Dehesa ng Phoenix.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Totoo ang sinabi ni Phoenix coach Louie Alas na mas mahirap kalaban ang Rain or Shine kumpara sa nauna nilang pinabagsak na NLEX.

Nagtayo ng 27-point lead sa first half, pinabagsak ng Elasto Painters ang Fuel Masters, 90-80 para makabalik sa kanilang winning form sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Winakasan ng Rain or Shine ang kanilang dalawang sunod na kamalasan para tapusin ang two-game winning streak ng Phoenix.

“Sabi ko nga sa mga players ko the only way we can lose this game is if we feel the pressure. We know Phoenix likes to press a lot and today I think we beat their pressure,” wika ni head coach Caloy Garcia.

Pinangunahan ni Ed Daquioag ang Elasto Painters mula sa kanyang 21 points, 5 rebounds, 5 assists, 1 steal at 1 block, habang nagdagdag sina two-time PBA Most Valuable Player James Yap, Dexter Maiquez at Chris Tiu ng 20, 18 at 17 markers, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan naman nina Matthew Wright at rookie forward Jason Perkins ang Fuel Masters ni Alas sa kanilang tig-17 markers kasunod ang 12 points ni Gelo Alolino.

Nag-ambag sina Jeff Chan at Karl Dehesa ng tig-11 points habang may 10 markers si JC Intal.

Kaagad kinuha ng Elasto Painters ang 18-5 abante sa first period patungo sa pagtatayo ng 27-point advantage, 36-9 mula sa three-point shot ni Maiquez sa huling 1:52 minuto nito.

Tinapos ng Rain or Shine ang first half hawak ang 57-40 abante na kanilang pinalaki sa 98-67 pagpinid ng third period.

At mula dito ay hindi na nakabangon ang Phoenix.

vuukle comment

NLEX

PHOENIX COACH LOUIE ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with