^

PM Sports

Perpetual nais masolo ang 3rd

Pang-masa

MANILA, Philippines — Makapagtala ng unang winning run ngayong season para makapagsolo sa ikatlong puwesto ang tatargetin ng University of Perpetual Help sa pagtutuos nila ng Emilio Aguinaldo College ngayong umaga sa nakatakdang unang laro sa women’s division ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Nakapasok uli sa win column ang Lady Atlas pagkaraang ungusan ang season host San Sebastian College sa loob ng limang sets sa nakaraan nilang laro.

Magtatapat ngayong alas-11:00 ng umaga ang Lady Altas at Lady Generals pagkatapos ng unang dalawang sagupaan sa pagitan ng kani-kanilang juniors squad-ang reigning champion UPH Junior Altas at EAC Brigadiers sa ganap na ika-8:00 ng umaga at men’s teams na Altas at Generals sa alas-9:30 ng umaga.

 Umaasa ang bagong Lady Altas coach na si Michael Cariño na magagawa nila sa laban kontra sa EAC ang mga hangad nilang pagbabago at pagpapaangat sa kanilang laro.

“Maaga pa ‘yung season. Marami pa kaming dapat i-work out sa laro namin,” paliwanag ni Cariño na muling sasandal kina Maria Lourdes Clemente,  Cindy Imbo at Bianca Tripoli upang pamunuan ang Perpetual.

Sa panig ng Lady Ge-nerals, magsisikap naman silang makamit ang pinaka-aasam na unang tagumpay matapos mabigo sa unang tatlo nilang laban.

Magkasalo ngayon sa ikalimang posisyon taglay ang 1-2 panalo-talo kasama ng San Sebastian, maghihiwalay ng landas ang magkapitbahay sa Intramuros na Letran Lady Knights at Lyceum Lady Pirates.

Kapwa nagnanais ng unang back -to-back  wins ang dalawang koponan na parehong nagwagi sa nakaraan nilang laban kontra sa isa pa nilang kapitbahay na Mapua Lady Cardinals.

Kasunod ng nasabing salpukan dalawang laro pa ang susunod tampok ang Knights at Pirates sa alas-2:00 ng hapon at ang Squires at Junior Pirates sa alas-3:30 ng hapon. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with