^

PM Sports

Kondisyon na kondisyon ang Gilas

Nelson Beltran - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung walang magi-ging injury, siguradong kondisyon na kondisyon si June Mar Fajardo at ang iba pang miyembro ng Gilas training pool para sa mga nalalabing window games ng FIBA World Cup qualifiers.

“Dahil ongoing ang PBA season, kondisyon ang mga players ng Gilas kaya walang magiging problema sa paglalaro sa World Cup qualifiers,” pahayag ni Fajardo na sumama na sa training ng Gilas noong Lunes.

Gayunpaman, sinabi ni Fajardo na malaking hamon sa kanila ang susunod na laban kontra sa Australia sa Melbourne sa Feb. 22 at kontra sa Japan sa MOA Arena sa Pasay City sa Feb. 25.

Siniguro naman ng PBA na magiging available ang mga players ng Gilas para sa mga FIBA games kaya gumawa ng adjustments sa game schedule ng liga ang Commissioner’s Office para hindi masyadong maapek-tuhan ang mga teams na may National players.

Maaari ring madagdagan pa ang puwedeng ipahiram ng isang team sa Gilas. Sa ngayon, base sa umiiral na PBA-SBP me-morandum of agreement, isang veteran at isang cadet player lang ang ipapahiram ng mga teams sa Gilas.

“Lifting the limit is possible,” sabi ni Marcial sa kanyang pagbisita sa Gilas pool practice.

Nagpamalas ng dominanteng laro ang Boomers sa kanilang unang dalawang laro kontra sa Japan at Chinese Taipei na siya ring mga koponang tinalo ng Gilas para magkatabla sa 2-0 win-loss record.

Samantala, posibleng gawin ang Gilas home game kontra sa Australia sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa July 2.

“By playing in the three venues – the Smart Araneta Coliseum, Mall of Asia Arena and the Philippine Arena, this will serve as a dry run of our hosting of the FIBA World Cup 2023,” sabi ni SBP executive director Sonny Barrios.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with