^

PM Sports

Balak isunodng blackwater ang TNT KaTropa

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos gimbalin ang Rain or Shine at Barangay Ginebra ay susubukan naman ng Blackwater na gulatin ang TNT Katropa.

Sumasakay sa two-game winning streak, sasagupain ng Elite ang bigating Tropang Texters ngayong alas-7 ng gabi matapos ang upakan ng Elasto Painters at Phoenix Fuel Masters sa alas-4:30 ng hapon sa 2018 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Tinalo ng Blackwater ang Rain or Shine, 92-87 noong Disyembre 29 bago isinunod ang Ginebra, 94-77, noong nakaraang Biyernes.

“Ang ganda ng finish namin ng 2017 at ang ganda ng simula namin sa 2018, sana ma-maintain namin,” sabi ng 6-foot-7 center na si Poy Erram, nagtala ng 22 points, 11 rebounds at 4 blocks para sa panalo ng Elite laban kina ‘Twin Towers’ Greg Slaughter at Japeth Aguilar ng Gin Kings.

Kumpara sa Blackwater ni coach Leo Isaac, natalo naman ang TNT Katropa laban sa nagdedepensang San Miguel, 76-88, noong Sabado sa Iloilo City.

“We’ve been working on correcting our mistakes. And we’re hoping we could execute better,” wika ni mentor Nash Racela sa kanyang Tropang Texters.

Sa unang laro, tatargetin ng Fuel Masters ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa pagharap sa Elasto Painters.

Humataw ang Phoenix ni bench tactician Louie Alas ng 125-102 pagmasaker sa Kia noong Dis-yembre 27 at pinabagsak ang NLEX, 102-95, noong Enero 7.

“Mas malakas ang Rain or Shine kumpara sa NLEX,” pagkukumpara ni Alas. “Tao por tao, hindi hamak na mahirap kalaban ang dating team ni coach Yeng.”

“Ang importante ay ma-contain ang mga shooters just like what we did against the Road Warriors,” dagdag pa ng Fuel Masters coach.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with