^

PM Sports

Lady Chiefs lider pa rin

Pang-masa
Lady Chiefs lider pa rin
Nadepensahan ni Rachel Anne Austero ng CSB katulong si Diane Ventura ang atake ni Francesca Racraquin.
PM photo ni Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Pinadapa ng defending women’s champion Arellano University ang Jose Rizal, 25-11, 22-25, 25-18, 25-16 upang mapanatili ang kanilang pamumuno kahapon sa NCAA Season 93 volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Umiskor sina Regine Ann Arocha at Jovielyn Grace Prado ng 20 at 17 puntos ayon sa pagkakasunod upang pangunahan ang Lady Chiefs sa pag-angkin sa ikatlong sunod nilang panalo.

“Masaya ako na nanalo kami pero marami pa kaming dapat ayusin sa laro namin like ‘yung reception,” pahayag ni AU coach Obet Javier.

“We’re targeting it (sweep) but we’d also like to take it one game at a time starting with LPU,” dagdag nito.

Dahil sa tagumpay, pinutol ng Arellano ang naitalang back-to-back wins ng Lady Bombers na bumaba sa patas na markang 2-2.

Sa isa pang women’s game, pinatunayan ng San Beda College ang kanilang pagiging title contender matapos itala ang ikatlong sunod na tagumpay nang kanilang tibagin ang College of St. Benilde, 25-22, 24-26, 27-25, 25-19.

Nagtala ng 17-puntos si Cesca Racraquin upang pamunuan ang Lady Red Spikers sa pagposte ng ikatlong sunod na panalo.

Kapwa naman tumapos na may tig-13 puntos para sa Lady Blazers na bumaba sa 2-1 panalo-talo sina Rachel Austero at Ranya Musa.

Gaya ng kanilang women’s squad ay na-panatili rin ng Arellano University Chiefs ang pamumuno sa men’s division matapos igupo ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 25-18, 21-25, 25-14, 25-22.

Nakabawi ang Chiefs sa kabiguan nila sa second set makaraang pagsabihan ni coach Sherwin Meneses.

Kasunod nito ay dinomina ng Chiefs ang sumunod na dalawang sets upang makamit ang ikatlong sunod na panalo.

Tumapos na topscorer si Kevin Liberato para sa Chiefs sa itinala nitong 16 puntos.

Samantala, bumaba naman ang Heavy Bombers na pinamunuan ni Wenjo Lahaylahay na may 10-puntos sa buntot ng standings taglay ang barahang 0-4. (FML)

vuukle comment

NCAA

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with