^

PM Sports

Ika-2 sunod ng Alaska

Russell Cadayona - Pang-masa
Ika-2 sunod ng Alaska

Si Carl Cruz ng Alaska laban kay Roider Cabrera ng Picanto. (PBA Image)

MANILA, Philippines — Sa unang dalawang laro ay pinuri ni Alaska head coach Alex Compton si 2017 No. 5 overall pick Jeron Teng.

At patuloy itong gagawin ng American mentor para sa dating kamador ng La Salle Green Archers.

Nagsalansan si Teng ng 23 points, 9 rebounds at 2 assists para banderahan ang 102-65 pagmasaker ng Aces laban sa Kia Picanto sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Alaska matapos talunin ang Meralco, 103-98 para makapasok sa win column ng season-opening conference.

Nag-ambag si Carl Bryan Cruz ng 16 points, habang may 11 at tig-10 markers sina Chris Banchero, Calvin Abueva, Vic Manuel at Jake Pascual, ayon sa pagkakasunod.

Nagpasabog ang Aces ng 36 points sa third period kung saan nilimitahan nila ang Picanto sa 5 markers para iposte ang 75-39 kalamangan sa pagsasara nito.

Binitbit ng Alaska ang maikling five-point lead, 39-34 sa halftime bago sagasaan ang Kia sa third quarter.

Ang one-hander ni Pascual mula sa assist ni Teng ang nagtayo sa 40-point lead, 86-46 ng Aces sa ilalim ng pitong minuto sa final canto na hindi na nakayang pababain ng Picanto.

Ito ang ika-16 sunod na kamalasan ng Kia sapul sa kanilang huling laro noong nakaraang 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Nagmula ang Picanto sa 47-point loss, 77-124, laban sa Magnolia Hotshots sa coaching debut ni Ricky Dandan.

Pinangunahan ni Rashwan McCarthy ang Kia mula sa kanyang 16 points kasunod ang 15 at 13 markers nina Eric Camson at Ronald Tubid, ayon sa pagkakasunod.

Habang sinusulat ang balitang ito ay naglalaban pa ang Magnolia at ang  NLEX sa ikalawang laro kagabi.

               

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with