^

PM Sports

Alab babangga sa Mono Vampire

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos makalasap ang ika­apat na pagkatalo, ha­ngad ng Tanduay-Alab Pi­lipinas na makabangon sa pagsagupa sa Thailand Mono Vampire sa 2017-2018 ASEAN Basketball League sa Stadium 29 sa Bangkok, Thailand.

Nakatikim ng ikalawang kabiguan ang Alab Pilipinas kontra sa Singapore Slingers noong Miyerkules kaya kailangang manalo kontra sa Mono Vampire sa una nilang pag­tatagpo ngayong alas-7 ng gabi.

Bumaba ang tropa ni coach Jimmy Alapag sa ikaanim na puwesto sa bitbit na 3-4 kartada sa li­kuran ng Chong Son Kung Fu ng China (4-0), Hong Kong Eastern Lions (7-1),  Thailand Mo­no Vampire (5-3), Singa­pore Slingers (4-5)  at Saigon Heat (3-2).

Alam ng Thailand team ang kalibre ng Alab Pilipinas kaya pinaghandaan din nila ito sa pamamagitan ng pagkuha ng mas versatile na import na si Michael Singleta­ry, pumalit kay Patrick San­ders.

Ang 6’5 na Single­tary ay dating import sa PBA at pangtapat ng Mono Vampire kay Alab import Justin Brownlee.

Nagmula ang Mono Vam­pire sa 115-111 pa­nalo laban sa Malaysia West­ports Dragons no­ong Hu­webes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with