Dubai tournament ang preparasyon ng Red Lions
MANILA, Philippines — Kahit nawalan ng pagkakataon na maipagtanggol ang kanilang titulo sa PBA D-League dahil sa suliranin sa kanilang tagapagtaguyod, nabigyan pa rin ng pagkakataon ang San Beda College na magkaroon ng magandang preparasyon para sa kanilang darating na NCAA title defense.
Kung halos lahat ng mga NCAA teams ay sumali sa PBA D-League Aspirant’s Cup na magbubukas sa darating na Enero 18, ang defending, back-to-back champions naman ay nakatakdang sumabak sa 2018 Dubai International Basketball Tournament.
Ang naturang overseas tournament ay gaganapin sa Al Ahli Sporting Club sa UAE sa Enero 19-26.
“We got this rare invitation to join this prestigious tournament, and represent the country against the top teams in West Asia,” pahayag ni Red Lions team manager Jude Roque. “It’s a great opportunity to learn from the tough competition. At the same time, it’s an honor to play in front of our fellow Filipinos in Dubai.”
Makakasagupa ng Red Lions sa nasabing torneo na nasa ika-29 na taon na nito ang mga elite club teams mula sa West Asia na kinabibilangan ng AE’s National Team; Egyptian clubs Al Ahly at Zamalek; Lebanese clubs Al-Riyadi, Homentmen, at Al-Hikma; AS Sale ng Morocco; ES Radès ng Tunisia; at Al-Nasr ng Libya.
Kabilang naman sa koponan ng San Beda na sasalang sa torneo sina 23 for 2023 Gilas cadets Robert Bolick, Javee Mocon at Kemark Carino, Do-nald Tankoua, Arnaud Noah, AC Soberano, Clint Doliguez, Joe Presbitero, Franz Abuda, Calvin Oftana, Jeramer Cabanag, JB Bahio, Benedict Adamos at Radge Tongco.
Makakatulong naman ni head coach Boyet Fernandez sa sidelines si assistant coach Gino Manuel. (FML)
- Latest