^

PM Sports

Cavs nilapa ng raptors

Pang-masa
Cavs nilapa ng raptors

Si Fred Van Vleet ng Toronto laban kay Dwyane Wade ng Cleveland.

TORONTO – Matapos matambakan ng Minnesota Timberwolves noong Lunes ay muling nakatikim ng malaking pagkatalo si LeBron James at ang Cleveland Cavaliers.

Pinatumba ng Raptors ang Cavaliers, 133-99 sa likod ng career-high na 22 points, tampok ang 6-of-8 shooting sa three-point line ni point guard Fred VanVleet.

Ito ang ikaanim na kabiguan ng Cleveland sa kanilang hu-ling walong asignatura  kasama ang pagyukod sa defending champion Golden State Warriors noong Araw ng Pasko.

Matapos ilista ang 30-24 abante sa first quarter ay nag-init ang Raptors sa second period para iwanan ang Cavaliers sa halftime, 65-40  na lumobo sa 100-72 papasok sa final canto.

Kumolekta si center Jonas Valanciunas ng 15 points at season-high na 18 rebounds para sa Toronto, nauna nang nagtayo ng 12-game home winning streak na winakasan ng Miami Heat noong Martes.

Nagsalpak ang Raptors ng kabuuang 16 triples laban sa Cavaliers, nakahugot kay James ng 26 points samantalang naimintis ni point guard Isaiah Thomas ang una niyang 11 tira.

Nag-ambag si C.J. Miles ng 16 points para sa Toronto kasunod ang tig-14 markers nina Pascal Siakam at Norm Powell at 13 points ni DeMar DeRozan.

Hindi naglaro para sa Raptors sina point guard Kyle Lowry (bugbog sa bahaging puwet) at forward Serge Ibaka (nag-serve ng one-game suspension) ngunit nakahugot kay Jakob Poeltl ng 12 points at 12 rebounds.

Nanggaling naman ang Cleveland sa 99-127 pagkatalo sa Timberwolves sa Minneapolis noong Lunes.

Ang 133 points ng Raptors ang pinakama-laking naiskor ng isang kalaban ng Cavaliers ngayong season.

Ito ang unang pagtatapat ng Toronto at Cleveland matapos wa-lisin ng Cavaliers ang Raptors sa second round ng NBA Playoffs noong Mayo ng 2017.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with