May magandang plano si Ayo sa UST
MANILA, Philippines — Pormal na pinangalanan at ipinakilala ni bagong University of Santo Tomas men’s basketball team coach Aldin Ayo ang mga miyembro ng kanyang coaching staff na makakatulong niya sa kabuuan ng panunungkulan niya bilang mentor ng Growling Tigers.
Sa larawan at ulat na inilabas ng Varsitarian, ang official publication ng UST, ang mga tatayong deputies ni Ayo ay sina Mcjour Luib, Kristoff Co, Bonnie Garcia at Rene Baena.
Dating coach ng Lyceum of the Philippines bago ito naging miyembro ng NCAA, Laguna Lakers sa MBA, Colegio de San Lorenzo sa NAASCU at Sta. Lucia sa Pilipinas Commercial Basketball League si Garcia habang dating assistant coach ng Adamson’s junior team si Baena.
Naglaro naman dati para kay Ayo si Luib sa Letran at kasama na rin niya kasabay ni Co bilang coaching staffs ng De La Salle mula pa noong 2016.
Kaugnay nito, ipinangako naman ni Ayo na bibigyan niya ng patas na pagkakataon lahat ng players ng Tigers sa kanyang programa.
“Rest assured everyone will be given equal opportunities,” saad ni Ayo sa ulat ng Varsitarian. “We’re going to have the whole season for that and we’ll make it final before the UAAP starts.”
“We’re going to maximize their potentials. I’m just going to allow them to play, make sure they enjoy the game and of course we’re going to instill the work ethic that we want because this season, we’re going to be the hardest working team.” (FML)
- Latest