^

PM Sports

Unang panalo ng Globalport

Russell Cadayona - Pang-masa
Unang panalo ng Globalport

Si Kelly Nabong ng Globalport laban kina Raymond Almazan at Jewel Ponferada ng Rain or Shine. (PM photo ni Joey Mendoza)

MANILA, Philippines — Kagaya ng naunang sinabi ni head coach Pido Ja-rencio, ang pagkakaroon ng ‘consistency’ ang kaila-ngan ng Globalport para manalo.

Humugot si Stanley Pringle ng 20 sa kanyang 29 points sa first half habang nagdagdag si center Kelly Nabong ng 12 markers kasama ang dalawang three-pointers para pamunuan ang Batang Pier sa kanilang unang panalo.

Pinabagsak ng Globalport ang Rain or Shine, 78-70 sa elimination round ng 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ang unang panalo ng Batang Pier, nakabunot ng 10 points mula kay Bradwyn Guinto, matapos ang 0-2 panimula at nahulog naman ang Elasto Painters sa ikalawang dikit nilang kamalasan.

Mula sa 19-18 bentahe sa first period ay itinala ng Globalport ang seven-point lead, 28-21 galing sa basket ni Jonathan Grey patungo sa 41-35 pag-iwan sa Rain or Shine sa halftime.

Pinalobo ito ng Batang Pier sa 50-39 nang makumpleto ni Guinto ang kanyang three-point play laban kay Don Trollano sa 9:23 minuto ng third quarter.

Hindi naman kaagad isinuko ng Elasto Painters ang laban matapos makalapit sa 61-62 sa pangu-nguna nina Gabe Norwood, Mark Borboran at Beau Belga sa kalagitnaan ng final canto.

Ngunit hindi hinayaan nina Pringle at Grey na mahulog ang Globalport sa kanilang pangatlong sunod na kabiguan.

Umiskor si Norwood ng 15 points para bandera-han ang Rain or Shine habang nag-ambag sina Borboran at Maverick Ahanmisi ng 13 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, pupuntiryahin naman ng nagdedepensang San Miguel ang kanilang ikatlong sunod na panalo para masolo ang liderato sa pagsagupa sa TNT Katropa ngayong alas-5 ng hapon sa San Agustin Gym sa Iloilo City.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with