Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Super 6, Pentafecta habol ng mga karerista

MANILA, Philippines — May dalawang karera ngayon na mapaglalaruang super six at pentafecta events na kapwa may mga carry over na premyo.

Ang una ay nasa simula ng karera na P16,941 nabiting premyo para puntiryahin ng mga karerista sa gaganaping pentafecta event sa Group-8 race na sinalihan ng walong kabayo.

Ito ay kinabibilangan nina Elsieelsiels na sasakyan ni Claro S. Pare Jr., Ungkaw na papatungan ni Conrado P. Henson, Samantha’s Best na gagabayan ni Jerico G. Serrano, Cote De Azur na patatakbuhin ni Mark B. Pilapil, Tough Gets Going na rerendahan ni Anrew R. Villegas, Mr. Laloma na lalatiguhin ni A.M. Basilio, Magnitude Eight na si Abraham G. Avila ang sasakay at Now And Forever sa renda ni Albert B. Serios.

Sa distansiyang 1,200 meters ang labanan at ang nangungunang paboritong kabayo ay ang Tough Gets Going.

Sa susundang karera ay ang super six na P139,945 carry over naman ang aasintahin ng mga mananaya. Ito ay dito sa Group-11 race na sinalihan ng sampung kalahok.

Ang mga ito ay ang Cool Toto na si E.G. Guerra ang gagabay, Wow Jazziee na rerendahan ni Christian M. Pilapil, Gee’s Queen na si Jomel Lazaro ang patong, Fantasm na ang apprentice na si E.C. Villahermosa Jr., ang hinete; Laughing Tiger na igigiya ni Abraham G. Avila, My Bilin na iibabawan ni Jerico G. Serrano, Pabulong na papatungan ni Gilbert M. Mejico, Runaway Champ na si Reynaldo O. Niu Jr., ang sakay, Alhambra na si J.Q. Cabarrios Jr., ang jockey at Buena Clasica na si Allan S. Pare ang nasa ibabaw.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa distansiyang 1,400 meters ang labanan at ito ay kasabay ng unang bahagi ng winner take all.

Aabangan rin ng mga karerista ang mga baguhang kabayo na tatakbo sa ikapitong karera.

Ito ay kinabibilangan ng Dimakya Island, Manila Bay, Can You Giub, Courageous, Fight For Love, Top Gun, Proof It, Independence, Cool Mishal, Go Marty Go, Keen Alisha, Must Change, Ten Ten Forty at Ever Seen The Rain. JM

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: