Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Simula na ang pagdedepensa ng Lady Chiefs

MANILA, Philippines — Nakatakdang um-pisahan ng defending women’ champion Arellano University ang pagdedepensa ng kanilang titulo sa pagsagupa sa Mapua University sa pagbubukas ngayon ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Makakatunggali ng Lady Chiefs ang Lady Cardinals sa alas-1:30 ng hapon kasunod ng unang women’s match sa pagitan ng season host San Sebastian College at ng Emilio Aguinaldo College sa ganap na ika -12:00 ng tanghali.

Bago ang mga nasabing women’s matches, magsisimula ang volleyball season sa pamamagitan ng tapatan ng juniors squads ng San Sebastian at EAC sa ganap na alas-8:00 ng umaga na susundan ng sagupaan ng kani-kanilang men’s team sa alas-9:30 bago isagawa ang opening ceremony sa dakong alas-11:00 ng umaga.

Isa namang men’s game ang kukumpleto sa opening day sa pagtutunggali ng Arellano at Mapua sa dakong ika-3:00 ng hapon.

Halos intact pa rin ang line-up na nagwagi noong nakaraang season, paborito uli ang Lady Chiefs ngayong taon sa pamumuno ng mga beteranong sina  Regine Anne Arocha, Necole Ebuen, Andrea Marzan at Jovielyn Grace Prado.

Buhat naman sa pagiging heavy favorite sa nakaraang dalawang taon, itinuturing namang underdogs ang two-time runner-up  na San Sebastian Lady Stags ngayong season dahil sa pagkawala ng ilang key players partikular ang league three-time MVP na si Grethcel Soltones na tapos na ang playing years sa NCAA.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Wala e, talagang walang natira. Si Grethcel at Kat (Villegas) nag-graduate na, si Nikka (Dalisay) nag-migrate na sa States, ‘yung isa, nag-stop na kasi breadwinner ng family nila. Iba-ibang dahilan, kaya kinumpleto lang namin ‘yung minimum required na players,” ayon kay Lady Stags at NCAA most winningest coach Roger Go-rayeb na sa kasamaang-palad ay nabawasan pa ng isang manlalaro matapos ma-injured sa tuhod ang isa pa niyang player na si Julie Ann Tiangco sa ensayo.

Samantala, magsisimula naman ang defending men’s champion College of St. Benilde ng kanilang title retention bid bukas sa alas-9:30 ng umaga kontra sa Letran.

Sisimulan naman ang kampanya ng defending juniors champion University of Perpetual Help sa Linggo ng umaga sa pagsagupa nila sa Lyceum of the Philippines University.

Mapapanood ang NCAA Season 93 wo-men’s volleyball tournament sa ABS-CBN S+A at S+A HD na may livestreaming sa sports.abs-cbn.com, iwantv.com.ph or skyondemand.com.ph.

Para sa news at updates, bisitahin ang sports.abs-cbn.com. FML

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: