Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Balik-aksiyon na ang PLDT sa PVL

MANILA, Philippines — Makaraan ang dalawang taon na pagkawala ay magbabalik sa eksena ang PLDT sa Premier Volleyball League.

Ipaparada ng PLDT sina dating league MVP Grethcel Soltones, Lizlee Ann Pantone at Alyssa Eroa mula sa Bali Pure kasama sina San Sebastian standouts Joyce Sta. Rita at Katherine Villegas.

Sinabihan na ni coach Roger Gorayeb si Bali Pure team manager Paulo Turno sa plano niyang bumalik sa PLDT, ang kanyang mother club team para sa PVL Reinforced Conference na hahataw sa Abril 1.

“I’ve just talked to him (Turno) and I explained that I have no choice but to leave since PLDT is my mother team,” wika ni Gorayeb.

Ilang UAAP stars din ang magsusuot ng uniporme ng PLDT matapos ang UAAP volleyball season.

Nagreyna ang PLDT sa mga nakaraang Shakey’s V-League Open at Reinforced Conferences na tinampukan ng pagpapasikat ni Alyssa Valdez, maglalaro para sa Creamline Cool Smashers, dalawang taon na ang nakakalipas.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Matapos ito ay nagdesisyon ang PLDT na pansamantalang iwan ang PVL.

Dahil dito ay lumipat si Gorayeb sa Bali Pure na inihatid niya sa runner up finish at dalawang third place trophy noong 2016 at isang runner up finish at PVL championship sa sumunod na taon.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: