Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Comeback ni Thomas

Si Isaiah Thomas ng Cleveland habang pa-drive sa basket laban kay Pat Connaughton ng Portland.

CLEVELAND – Nakaupo sa scorer’s table, nakita ni Isaiah Thomas ang katapusan ng kanyang pitong buwan na paghihintay para makapaglaro sa Cavaliers.

Ipinakita ni Thomas ang kanyang pamatay na porma na kumilala sa kanya bilang All-Star para tulungan ang Cleveland na tapusin ang three-game losing skid sa pamamagitan ng 127-110 pagdurog sa Portland Trail Blazers.

“It’s been a long journey for me,” sabi ni Thomas. “I couldn’t really see the light at the end of the tunnel. For that day to come the first couple days of 2018, it’s going to be a special year.”

Tumapos si Thomas na may 17 points kasama ang tatlong three-point shots at tatlong assists sa loob ng 19 minuto para sa una niyang laro sa Cavaliers makaraan ang nangyaring trade sa pagitan ng Cleveland at Boston.

Iniupo siya sa huling 8:10 minuto ng fourth quarter kung saan hawak ng Cavaliers ang 12-point lead laban sa Trail Blazers.

Bago ipahinga ay niyakap si Thomas ni LeBron James kasunod si head coach Tyronn Lue.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Welcome back,” sabi ni Lue kay Tho-mas. Huling naglaro si Thomas noong Mayo 19 bago nagkaroon ng torn labrum sa baywang na tumapos sa kanyang kampanya para sa Celtics noong 2017 postseason.

Sumailalim ang 5-foot-9 playmaker sa rehabilitasyon at unti-unting nakabalik sa kanyang kondisyon.

“What I like most about him is he has a chip on his shoulder for life,” sabi ni James. “That’s just who he is. When a guy’s got a chip on his shoulder for life, he’s never going to not work hard. Not going to never give it his all. Not going to never disappoint you.”

Naglista si James ng 24 points habang nagdag-dag sina Kevin Love at Jae Crowder ng 19 at 15 markers, ayon sa pagkakasunod para sa Cavs na nauna nang natalo sa Golden State Warriors, Sacramento Kings at Utah Jazz.

Binanderahan naman ni Damian Lillard ang Portland sa kanyang 25 points sa kanyang pagbabalik matapos magkaroon ng hamstring injury.

Nag-ambag si Jusuf Nurkic ng 23 points kasunod ang 19 markers ni CJ McCollum.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: