Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Grade 2 hamstring ang tama ni James Harden

HOUSTON — Inihayag ng Rockets ang pagkakaroon ni James Harden ng isang Grade 2 hamstring strain at titingnan ang injury ng star guard sa loob ng dalawang linggo.

Nakuha ni Harden ang nasabing injury sa 148-142 double-overtime win ng Houston laban sa Los Angeles Lakers.

Tumapos si Harden na may 40 points at 11 assists para tulungan ang Rockets na tapusin ang five-game losing slump.

Nagtala ang five-time All-Star ng average na league-leading 32.3 points per game bukod pa sa 9.1 assists, 5.0 rebounds at 1.8 steals.

Pumapangalawa ang Houston sa Western Conference sa kanilang 26-9 record at dalawang panalo ang agwat sa Golden State Warriors para sa No. 1 seed.

Dalawang laro lamang ang iniliban ni Harden noong 2014-15 hanggang 2016-17.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nakita si Harden sa lahat ng laro ng Houston ngayong season, ngunit mapipilitan ang Rockets na ipahinga siya sa loob ng anim hanggang pitong laro.

Sa pag-upo ni Harden ay sasandigan ng Houston si reigning NBA Sixth Man of the Year Eric Gordon, nagtala ng average na 32.5 minutes per game.

Mabigat na dalahin din ang papasanin ni point guard Chris Paul habang mas mahabang playing time ang ibibigay kina Bobby Brown at Gerald Green.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: