Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nagpasiklab si Derozan

Isang drive ang nailusot ni DeMar DeRozan ng Toronto laban kina John Henson at Tony Snell ng Milwaukee.

TORONTO – Pinanood ni DeMar DeRozan ang 1998 NBA Finals series ng Chicago Bulls at Utah Jazz, maituturing na isang basketball history, sa araw ng Bagong Taon at tila nakahugot ng inspirasyon si DeRozan.

Kumamada si DeRozan ng franchise-record 52 points para ihatid ang Raptors sa 131-127 overtime win laban sa Milwaukee Bucks at duplikahan ang kanilang team record na ika-12 sunod na home victory.

Pinanood ni DeRozan ang huling mga minuto ng Game 6 ng 1998 NBA Finals kung saan tinalo ni Hall of Famer Michael Jordan ang Jazz sa pamamagitan ng kanyang jump shot para ibigay sa Chicago Bulls ang ikaa-nim na NBA title sa hu-ling walong seasons.

“I remember being a kid and wishing to be in moments like that,” sabi ni DeRozan. “When you come out here and you’re in those moments, you’ve got to make the best out of them.”

Si DeRozan ang na-ging ikatlong player sa Raptors history na nagposte ng 50 o higit pa sa single game.

Ang dalawa pa ay sina Vince Carter at Terrence Ross, kapwa nagtala ng tig-51 points.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“I for sure wanted to beat T-Ross,” ani DeRozan pagbibiro niya sa kanyang dating teammate.

Ang three-point shot ni Fred VanVleet ang naglagay sa Toronto sa komportableng katayuan sa huling 3:51 minuto ng overtime bago nagsalpak si DeRozan ng isang jump shot para iwanan ang Milwaukee sa 121-117.

Kumonekta si DeRozan ng limang three-point shots at 17-of-29 fieldgoal shooting at perpektong 13-for-13 sa free throw line.

“He’s dangerous any time he puts on a uniform,” sabi ni Bucks coach Jason Kidd kay DeRozan. “Now to be able to expand his range out to the 3-point line just makes the game easier for him.”

Nagdagdag si Kyle Lowry ng 26 points kasunod ang 11 markers ni Serge Ibaka para sa Raptors, dumiretso sa kanilang pang-12 sunod na panalo sa Air Canada Centre.

Binanderahan naman ni Eric Bledsoe ang Bucks mula sa kanyang 29 points kasama ang 11 markers sa overtime, samantalang nagtala si Gian-nis Antetokounmpo ng 26 points.

Nadiskaril ang hangad na ikatlong sunod na panalo ng Milwaukee.

Nag-ambag si Khris Middleton ng 18 points sa rematch ng dalawang first-round playoff opponents noong nakaraang season na naipanalo ng Toronto, 4-2.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: