^

PM Sports

Frankie Lim consultant sa Perpetual Help

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mula sa paggiya sa San Beda Red Lions sa apat na korona sa NCAA ay lumipat si coach Frankie Lim sa Perpetual Help bilang team consultant.

Inamin ni Lim na tinanggap niya ang alok ng Altas noong nakaraang buwan. Inihatid ni Lim ang Red Lions sa apat na NCAA titles at naging mi-yembro ng 1978 San Beda championship team.

Ngunit bago niya magawa ang trabaho sa Perpetual Help ay kailangan muna niyang makakuha ng basbas mula sa NCAA Policy Board na nagpataw sa kanya ng ‘indefinite banned’ dahil sa away nila ni San Sebastian volleyball coach Roger Gora-yeb noong 2012.

Natapos na ni Gorayeb ang kanyang two-year ban.

Noong Miyerkules ay sinabi naman ng ilang sources na inalis na ng NCAA Policy Board ang suspensyon kay Lim.

Inaasahang gagawa si NCAA Management Committee chairman Fr. Glyn Ortega, OAR, ng official announcement tungkol sa kaso ni Lim.

Sa kabila ng pagkakaluklok ng Perpetual Help kay Lim bilang consultant ay sina coaches Nosa Omorogbe at Jimwell Gican pa rin ang hahawak sa Altas.

Sa pangangasiwa nina Omorogbe at Gican ay umabante ang Altas, binanderahan ni import Bright Akhuetie sa Final Four at muntik nang makapasok sa NCAA Finals noong 2015.

Sa nakaraang season ay nakalasap ang Perpetual Help ng 4-14 record dahil na rin sa pag-alis ng Nigerian para lumipat sa University of the Philippines sa UAAP.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with