^

PM Sports

Tanduay Alab may panalo na

Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumangon ang Tanduay Alab Pilipinas sa kanilang masamang simula sa ASEAN Basketball League matapos makopo ang unang panalo nang kanilang igupo ang Formosa Dreamers, 78-61 kahapon sa Changhua County Stadium sa Chinese Tapei.

Nagtala si Reggie Okosa ng 19 points at 19 rebounds habang bumawi rin si reigning MVP Bobby Ray Parks, Jr. sa kanyang naitalang 12 points at 10 na tumulong sa mga Pinoy na makopo ang unang panalo matapos ma-bigo sa unang tatlong laro.

Ito rin ang unang panalo para kay  Alab coach Jimmy Alapag, isa sa mga naging mahusay na player sa PBA na ngayon ay isa nang coach.

Nanalo ang Alab kahit na wala si American Ivan Johnson na nasa bench lamang ng buong laro dahil diumano bilang disciplinary action.

Nadismaya si Johnson sa nalasap na 96-99 kabiguan ng Alab sa defending champion Hong Kong Eastern noong Miyerkules.

May pagkakataon ang Alab na ayu-sin ang isyu kay Johnson dahil magkakaroon ng Holiday break ang Alab bago bumalik sa aksiyon sa Jan. 3 laban sa Westport Malaysia Dragons sa di pa natutukoy na venue.

Nalaglag ang Dreamers sa 1-3.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with