^

PM Sports

Unang panalo ng San Miguel

RCadayona - Pang-masa
Unang panalo ng San Miguel

Pumarada ang San Miguel kasama ang kanilang muse na American volleyball player na si Lindsay Stalzer sa opening ceremonies. (PM photo ni Joey Mendoza)
 

MANILA, Philippines — Kaagad ipinakita ng mga Beermen ang kanilang determinasyon para sa kanilang pagtatanggol sa korona.

Naisuko ang double-digit lead, humataw ang nagdedepensang San Miguel sa dulo ng fourth quarter para patumbahin ang Phoenix, 104-96 sa pagbubukas ng 2018 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Hangad ng Beermen, nabigong makamit ang PBA Grand Slam sa nakaraang 42nd season, ang kanilang ikaapat na sunod na All-Filipino Conference title.

Mula sa 36-31 abante ay nagpa-kawala ang San Miguel ng 11-6 atake para iposte ang 10-point lead, 47-37 sa halftime bago ito palobohin sa 53-40 sa pagsisimula ng third period.

Ang ikalawang three-point shot ni one-time PBA MVP Arwind Santos ang nagbigay sa Beermen ng 79-64 kalamangan sa huling 1:39 minuto ng nasabing yugto hanggang mapababa ito ng Fuel Masters sa 80-85 mula sa three-point shot ni Jeff Chan sa 6:12 minuto ng final canto.

Ang basket ni four-time PBA MVP June Mar Fajardo at triple ni Marcio Lassiter ang muling naglayo sa San Miguel sa 90-80 patungo sa kanilang 103-84 bentahe laban sa Phoenix sa huling 2:36 minuto.

Samantala, bago ang laro ay pumarada sa opening ceremonies bilang muses sina Rhian Ramos (Phoenix), Phoemela Barranda (Kia), Ashley Ortega (Blackwater), Lindsay Stalzer (San Miguel), Myrtle Sarrosa (Barangay Ginebra), Rachel Anne Daquis (NLEX), Taki Saito (Alaska), Jannie Alipo-on (Rain or Shine), Hilarrie Daniel Parungao (Globalport), Laura Lehmann (TNT Katropa), Maureen Wroblewitz (Magnolia) at Chanel Thomas (Meralco).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with