^

PM Sports

“PVL on Tour” hahataw sa Laguna

Pang-masa

MANILA, Philippines — Dadayo ang Premier Volleyball League sa Sta. Rosa, Laguna para sa tatlong laro na pina­mu­munuan ng banggaan ng three-time champion Pocari Sweat at Philippine Air Force ngayon sa Sta. Rosa Sports Com­plex.

Magtutuos ang Lady Warriors, inangkin ang tatlo sa apat na PVL con­ferences na ka­nilang ni­lahukan, at ang Lady Jet Spikers sa ganap na alas-4 ng hapon.

Maghaharap naman sa alas-6 ng gabi ang Banko-Perlas, kinabibi­la­ngan ng mga dating pla­yers ng Ateneo at Uni­versity of the Philippines, at ang Far Eastern University, naghahanda para sa darating na UA­AP volleyball season sa Enero.

Sa alas-2 ng hapon ay mag­tatapat naman ang NCAA powerhouse na San Sebastian, pangu­ngunahan ni one-time PVL and three-time NC­AA Most Valuable Pla­yer Grethcel Soltones, at ang Akari Adamson.

Bigla namang umat­ras ang UAAP title-hol­der na Ateneo sa ka­­nilang pagsagupa sa Ban­ko-Perlas.

Sinimulan ng “PVL on Tour” ang paglapit sa kanilang mga fans sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga provinces kagaya sa Batangas, Ca­gayan Valley, Iloilo, Ba­colod at ngayon ay sa Laguna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with