^

PM Sports

F2 Logistics o Petron?

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatangkaing sakyan ng F2 Logistics ang kanilang nakuhang momentum sa naitalang  25-20, 24-26, 14-25, 25-19, 15-4  panalo noong Game Two sa  muli nilang pagtutuos ng Petron ngayong hapon sa do-or-die Game 3 ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix best-of-three finals series sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagawang bumalikwas ng Cargo Movers mula sa 1-2 sets na pagkakaiwan upang maipatas ang serye at makapuwersa ng winner-take-all na nakatakda nga-yong alas-4 ng hapon.

Humabol ang Cargo Movers mula sa 0-9 pani-mula ng fourth frame hanggang sa tuluyang makontrol ang laban.

Naging mainit si Venezuelan import Maria Jose Perez sa opensa ngunit hindi maitatatwa ang naging ayuda ng mga beteranong sina Cha Cruz at Aby Maraño sa naging pagbangon nila sa fourth set upang maipuwersa ang decider frame.

Inaasahang mamumuno uli para sa koponan si Perez, dating miyembro ng  Venezuelan national team noong 2008 Beijing Olympics, na nagposte ng 25-puntos  sa series equalizer.

Bukod kay Perez,  sasandigan din ni coach Ramil De Jesus si American import Kennedy Bryan gayundin sina Cruz at Maraño sampu ng libero na si Dawn Macandili  para  sa target nilang ikalawang titulo.

“They (Petron) felt it was over,” ani  De Jesus matapos makatabla ng Cargo Movers sa Blaze Spikers.“If you look at it, you may think that it’s already over. But my team refused to quit. We ma-naged to stay close in the fourth set to gain momentum in the fifth set.”

Ngunit inamin ni De Jesus na patas lamang ang kanilang tsansa sa Game Three ng Petron.

Gayunpaman,  naniniwala siyang nasa panig na nila ang momentum na magagamit nila para mabawian ang All-Filipino Conference tormentor.

“I think we already have the momentum,” ani De Jesus.  “It’s going to be an intense battle.”

Sa kabilang dako,  tiyak namang hindi basta-basta magpapatalo ang Petron na muling pamumunuan nina imports Lindsay Stalzer at Hillary Hurley.

Sasandalan din ni coach Shaq Delos Santos sina Japanese libero Yuri Fukuda at mga local standouts Frances Molina,  Aiza Maizo Pontillas,  Rhea Dimaculangan , Remy Palma at Mika Reyes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with