^

PM Sports

Tatapusin ni Romero ang isyu sa PBA

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kung masusunod ang kanilang kasunduan ay tuluyan nang bibitawan ni PBA Commissioner Chito Narvasa ang kanyang posisyon sa pagsisimula ng 2018.

Si outgoing chairman Mikee Romero ng Globalport ang umaaktong spokesman ng PBA Board of Governors at siyang nagtatangkang plantsahinn ang sigalot sa pagitan ng majority bloc, binubuo ng TNT Katropa, Meralco, NLEX, Rain or Shine, Alaska, Phoenix at Blackwater at ng minority group, kinabibilangan ng San Miguel, Barangay Ginebra, Magnolia, Globalport at Kia.

Ibinunyag ni Romero na isang pulong ang itinakda ng PBA Board sa Enero ng susunod na taon para tuluyan nang tapusin ang isyu kay Narvasa pati na ang pagpapasa niya ng league chairmanship kay Ramoncito Fernandez ng NLEX.

“Hopefully January, magkakaroon ng board meeting but some of the members are asking me just to hold the fort for them and I will try but if somebody comes in already and there’s a new chairman anytime he can come in. I’m just filling for the next chairman,” ani Romero.

Matatandaang pinag-awayan ng majority at minority bloc ang pagpayag ni Narvasa sa trade sa pagitan ng San Miguel at Kia na kinasangkutan ni Fil-German Christian Standhardinger.

Isang transition team ang binuo na siyang magpapatupad sa mga napagkasunduang patakaran ng PBA para sa 43rd season.

Ang ilang napagkasunduan ng PBA Board ay ang pagtatakda ng height limit na 6-foot-10 para sa 2018 PBA Commissioner’s Cup at 6’5 para sa Governor’s Cup.

Ang nasabing height ceiling din ang ginamit ng liga sa nakaraang season kung saan tinulungan ni 6’8 import Charles Rhodes ang San Miguel na pagharian ang 2017 Commissioner’s Cup at iginiya ni 6’5 reinforcement Justin Brownlee ang Ginebra sa muling pagdomina sa 2017 Governors’ Cup.

Inihayag din ni Fernandez na hindi na gagamit ang PBA ng Asian imports matapos magparada ang mga koponan ng mga Taiwanese, Iranian at Japanese players noong 2015.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with