^

PM Sports

Thunder iniligtas ni George

Pang-masa

Boston wagi sa Denver

INDIANAPOLIS — Ginawa ni Paul George ang kanyang winning return sa Indiana matapos isalpak ang krusyal na free throws sa natitirang 10.7 segundo para akayin ang Oklahoma City Thunder sa 100-95 panalo laban sa Pacers.

Tumapos ang four-time All-Star forward na may 12 points mula sa 3-of-14 fieldgoal shooting bukod pa ang 2 rebounds at 4 turnovers para sa Oklahoma City.

Humakot si center Steven Adams ng 23 points at 13 rebounds para sa Thunder habang kumolekta si guard Russell Westbrook ng 10 points, 17 rebounds at 12 assists para sa kanyang pang-siyam na triple-double ngayong season.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Oklahoma City sa labas ng kanilang tahanan.

Pinamunuan naman ni guard Victor Oladipo ang Pacers mula sa kanyang 19 points kasunod ang 15 markers ni Bojan Bogdanovic.

Nagkaroon ang Indiana ng tsansang makatabla matapos mabawi ang posesyon sa huling 15.2 segundo kundi lamang sila nagkaroon ng turnover na nagresulta sa foul kay George para sa dalawa nitong free throws sa nalalabing 10.7 segundo.

Nagwakas ang winning streak ng Pacers sa apat.

Sa introduction pa lamang ay binuska na si George, dating kamador ng Indiana, ng mga Pacers fans at sa tuwing hahawakan niya ang bola.

Sa Boston, kumolekta si guard Kyrie Irving ng 33 points at 7 assists para tulungan ang Celtics sa 124-118 panalo kontra sa Denver Nuggets.

Nagdagdag si Jaylen Brown ng 26 points at 5 rebounds para sa Boston, pinaganda ang kanilang home record sa 13-2 ngayong season.

“We had to be resilient practically the whole night, and kind of weather their storms,” sabi ni Irvin. “They kept coming and kept coming. We had to outscore them at some point.”

Ang 124 points ay season-high para sa Celtics, hindi isinuko ang bentahe sa Nuggets sa kabuuan ng second half.

Binanderahan ni Gary Harris ang Denver mula sa kanyang career-high na 36 points at 6 assists habang nagdagdag si Jamal Murray ng 28 points at 10 assists.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with