^

PM Sports

3-kabayo patok sa karera ngayon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong kabayo ang inaasahang magwawagi ngayong gabi sa karerahan ng Metro Turf sa Malvar-Tanauan, Batangas.

Sa unang karera, ang Mount Bulusan na lahok ni Wilbert Tan at ipinasakay kay Jessie B. Guce ang naituturo ng mga clockers at racing experts na mangingibabaw sa grupo nitong mga kabayong may edad dalawang taon lamang.

Ikinukundisyon ni A.C. Sagun, ang Mount Bulusan ay mapapalaban sa mga kabayong Lady Sansa na dadalhin ni apprentice E.B. Castillo, Wings Of Grace na sasakyan ni E.C. Villahermosa Jr., at Senor Lito na si R.M. Garcia ang patong.

Ang ikalawang minamagaling rin sa Group-11 ay ang Laughing Tiger na gagabayan ni Michael D. De Jesus. Siya ay entry ni Ding Pangilinan at ikinukundisyon ni Quirino M. Rayat.

Mas marami ang mga kabayo sa grupo ng Laughing Tiger at walo ang mga kalaban sa pa-ngunguna naman ng banderistang Tisay na lalatiguhin ni jockey Onil P. Cortez.

Ang iba pang mga kalaban at ang Gee’s Queen ni J.L. Lazaro, Fantasm ni E.B. Castillo, Cool Toto ni C.S. Pare Jr., Palatandaan ni E.D. Villahermosa Jr., Board Walk ni K.S. Bergancia, My Bilin ni A.G. Avila at Gil’s Angel ni J.G. Serrano.

Ikatlo sa pinakapatok ngayong gabi ay ang kabayong Whatzap na mapapasabak sa Condition-11/12 merged group sa penultimate race. Tatlo ang na kabilang sa group-11 at tatlo rin ang kasama sa group-12.

Makakalaban ng kabayo ni Patrick Uy na iniha-handa ni Dave Dela Cruz ay ang Mount Pulag na rerendahan ni Jonathan B. Hernandez, Honeywersmypants na si Kelvin B. Abobo ang magdadala, Golden Empire na papatungan ni Ryan M. Garcia, Tough Gets Going ni Andrew R. Villegas at Parthenon na igigiya ni B.L. Salvador. JM

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with