^

PM Sports

7 pang gold hated ng powerlifters

Pang-masa

MANILA, Philippines — Magandang pagtatapos ang ginawa ng national powerlifting sa paghakot ng pito pang ginto at limang pilak na medalya sa huling araw ng kumpetisyon ng 2017 Asian Classic Powerlifting Championship na ginanap sa Ramada Hotel activity hall sa Alappuzha, Kerala sa India.

Nanguna ang bagitong lifter na si Nicole Go sa kanyang nakuhang apat na gintong medalya mula sa squat, bench press, deadlift at total sa women’s 84+ kgs. junior category.

Umani naman ng tatlong ginto si Joyce Reboton sa women’s 84 kgs. open kung saan nagtala ito ng bagong asian record sa deadlift nang bumuhat ito ng 173 kgs. para masiguro ang ginto.

Nanguna rin si Reboton sa squat at total habang nagkasya lamang ito sa pilak sa bench press.

Nagdagdag naman ng apat na pilak si Maxine Fugen sa women’s 84 kgs. junior-squat, bench press, deadlift at total sa torneong inorganisa ng Asian Powerlifting Federation (APF) at International Powerlifting Federtion (IPF).

Sa kabuuan, umani ang mga Pinoy lifters ng 19 ginto, 11 pilak at tatlong tanso sa torneo.

Ang iba pang gold medalists ay sina Leslie Evangelista na may apat na ginto sa women’s 47 kg. open, Daisy Grace Lipasana na may dalawang gintong medalya sa women’s 57 kgs. sub-junior category, world record holder Anita Koykka na may dalawang ginto sa women’s 52 kgs. open division at Jessa Mae Tabuan sa women’s 43 kgs. sub-junior event.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with