^

PM Sports

Sina Biado at Garcia na lang ang natitirang panlaban

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang mainit na laban sa round-of-16, tanging sina Carlo Biado at Roland Garcia na lang ang natitirang Pinoy na magpapatuloy ng laban sa quarterfinal  round ng 2017 World 9-Ball Championship na ginanap sa Al Arabi Sports Club ng Doha, Qatar.

Nagwagi si Biado sa kababayang si Jeffrey Ignacio, 11-7 para pumasok sa susunod na round kung saan makaharap niya si Liu Haitao ng China.

Si Haitao ay nanalo naman kay Ching Ko Ping ng Chinese-Taipei, 11-10.

Ang 34-anyos na si Biado ay ang kasalukuyan World Games titlists.

Hindi naman nagpahuli ang 36-anyos na beterano na si Roland Garcia matapos sa kanyang 11-8 panalo kay Pin Yi Ko ng Chinese-Tapei.

Susubukan ni Garcia ang husay ni Jaal Al Sarisi ng Venezuela sa semifinal round. Nagawa ni Sarisi na makaharap si Garcia matapos manalo kay Dang Jinhu ng China, 11-7 sa iba pang laro.

Sa iba pang semis match, magtatagpo sina Lin Wu Kun at Hseih Chia Chen na parehong taga-Chinese-Taipei at si Maung-Maung ng Myanmar laban kay Eklent Kaci ng Albania.

Ang ibang Filipino campaigners na sina Warren Kiamco at Francisco Felicilda ay parehong nasibak sa round-of-32.

Talo si Kiamco kay Lin Wu Kun, 8-11 habang si Felicilda ay hindi pinalad laban sa kapwa Pinoy na si Jeffrey Ignacio, 9-11.

Malakas naman ang tiwala nina Biado at Garcia na magwawagi sa torneo kung saan ang kampeon ay mag-uuwi ng $30,000 premyo sat  $15,000 naman sa runner-up.

Ang quarterfinal match ay lalaruin sa Huwebes (Philippine time) kung saan lahat ng laro ay race to 11 at alternate break.

Ang torneo ay may basbas ng World Pool Billiards Association.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with