^

PM Sports

Blaze Spikers sa Game 1

Pang-masa
Blaze Spikers sa Game 1

Umatake si Frances Xinia Molina laban sa tatlong F2 Logistics defenders. PM Photo ni Joey Mendoza

Chook To Go-PSL Grand Prix Finals

MANILA, Philippines — Naging magaan ang panalo ng Petron Blaze laban sa top seed F2 Logistics, 25-14, 25-21, 25-16 para makauna sa best-of-three championship series ng 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Bumandera para sa Blaze Spikers sina Amerikanong imports na sina Lindsay Stalzer at Hillary Hurley na sinuportahan nina Mika Reyes, Frances Molina at Aiza Pontillas para kunin ang unang set sa 25-14 sa loob lamang ng 22 minuto.

“We prepared a lot, but I was not expecting to win in three sets,” ayon kay Petron coach Shaq De Los Santos.

Mula dito, tuluy-tuloy ang mabigat na atake at mahigpit na depensa ng Petron tungo sa 25-21 panalo sa ikalawang set na natapos sa 29 minuto.

Lumamang pa ng mahigit walong puntos, 22-14, ang Blaze Spikers sa hataw ni Stalzer para tuluyang ipadama ang kanilang dominasyon sa Game 1 na ikinagulat ng mga fans ng Cargo Movers.

Umiskor ang MVP noong nakaraang taon na si Stalzer ng 20 puntos kabilang na ang 15 atake, tatlong blocks at dalawang aces para sa Blaze Spikers.

“We know we are capable. We just came very prepared, we are so focused and we minimized our errors and we have more communications. For next game, we have to prepare more as we expect them to come back strong,” sabi ni Stalzer.

Samantala, inangkin ng dating champion team na Foton ang ikatlong puwesto matapos ang straight sets win kontra sa Cocolife, 25-17, 25-16, 25-17.

Nagsanib-puwersa sina local standout Jaja Santiago at mga imports na sina Sara Klisura at Dragana Perunisiv upang isalba ang kanilang pride para pa-ngunahan ang Tornadoes sa panalo.

Nanguna si Santiago sa nasabing panalo sa ipinoste nitong 10 attacks, apat na blocks at tatlong aces habang nagdagdag sina Klisura at Perunicnic ng 13 at 11 puntos. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with