^

PM Sports

4 Pinoy pasok sa round-of-32

Pang-masa
4 Pinoy pasok sa round-of-32

Nasa larawan sina Warren Kiamco (kaliwa) at Carlo Biado (kanan).

MANILA, Philippines — Pasok ang apat na Pinoy sa round-of-32 sa pagsisimula ng knockout stage ng 2017 World 9-Ball Championship na ginaganap sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Pinangunahan ni reigning World Games champion Carlo Biado ang mga Pinoy na nanatili sa kontensiyon nang sa kanyang 11-6 panalo kay Daniel Tangudd ng Sweden sa first round ng torneong may basbas ng World Pool-Billiard Association at may nakalaang $200,000 premyo.

Sunod na kalaban ni Biado sa second round si Tomasz Kaplan ng Poland na nanaig sa kanyang kababayang si Wojciech Szewczyk sa iskor na 11-9.

Pinatalsik naman ni Warren Kiamco si Kong Dejing ng China, 11-4 habang tinalo ni Jeffrey Ignacio laban kay Lo Ho Sum ng Hong Kong sa bendisyon ng 11-4 desisyon

Tagumpay din si Francisco Felicilda kay Naoyuki Oi ng Japan, 11-7 sa event na may $30,000 premyo sa magkakampeon at $15,000 naman sa runner-up.

Haharap si Kiamco si Lin Wu Kun ng Chinese-Taipei na na nagtala naman ng 11-4 panalo kay Hiroshi Takenaka ng Japan samantalang magtutuos sina Ignacio at Felicilda para sa silya sa Round-of-16.

Tatlong pang Pilipino na sina Roland Garcia, Israel Rota at Jeffrey De Luna ang magtatangkang humirit ng puwesto sa round-of-32.

Lalarga si Garcia laban kay Mohammad Al Amin ng Bangladesh, aariba si Rota kontra kay Liu Haitao ng China at makakatipan ni De Luna si Maksim Dudanets ng Russia.

Ipatutupad sa main draw ang race-to-11, alternate break habang magiging race-to-13 naman ang championship round.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with