^

PM Sports

Boxing Cup ni Pacquiao at ng PSC inilunsad

Francisco Cagape - Pang-masa
Boxing Cup ni Pacquiao at ng PSC inilunsad

MANILA, Philippines — Malaki ang tiwala ni boxing icon Sen. Manny Pacquiao na magbubunga ng Olympic champion ang idaraos na Philippine Sports Commission (PSC)-Pacquiao Amateur Boxing Cup na uum-pisahan na sa Sabado sa Gen. Santos City.

Pinangunahan mismo ni 8-division world champion Pacquiao at PSC chairman William “Butch” Ramirez ang paglulunsad kahapon sa naturang amatuer boxing competition sa Athletes Dining Hall sa RMSC complex.

“I’m hopeful that through this tournament we can finally produce Olympic champion,” pahayag ni Pacquiao.

Sabi naman ni Ramirez na ang pagdaraos ng Pacquiao Cup ay bilang tugon sa kakulangan ng atensiyon sa boxing sa ngayon.

“It’s like the revival of the Go for Gold program. Medyo kulang ang pansin sa boxing ngayon. That’s why, we are holding this competition,” ayon kay Ramirez na sinamahan din nina PSC commissioners Ramon Fernandez, Charles Maxey at Celia Kiram.

Uumpisahan na sa Sabado ang PSC-Pacquiao Cup sa pagdaraos sa dalawang araw na Mindanao preliminaries sa Gen. Santos City kasunod ang Luzon sa Enero 27-28 at Sorsogon para sa Visayas preliminaries sa Pebrero 3-4 sa Bago City.

Gagawin sa kabuuang 16 probinsiya at Lungsod sa buong bansa ang torneyo kabilang na ang Mindanao quarterfinals sa Pebrero 10-11 sa Kidapawan, North Cotabato, Visayas quarterfinals sa Ormoc City (Peb. 17-18), Luzon quarterfinals (Peb. 24-25) sa Lucena City.

Ang Mindanao semifinals ay gagawin sa Cagayan de Oro City (March 3) habang ang Visayas semis ay sa Antique sa March 10 at sa Pangasinan naman para sa Luzon semifinals sa March 17.

Magkaroon din ng Mindanao Finals sa Davao City sa March 24 at ang Visayas Finals ay sa Maasin City sa March 31 at sa April 7 naman para sa Luzon Finals sa Baguio City. Ang national championships ay gaganapin sa Mandaluyong City sa Abril 14-15. 

Ang Junior boys at girls category ay para sa mga boksingerong may edad 15-16-year-old habang ang Youth boys and girls division ay para sa may edad 17-18-year-old .

Ayon pa kay Pacquiao na kahit matapos na ang termino ni Ramirez sa PSC, itutuloy pa rin niya ang boxing kumpetisyon.

Ang mga gold, silver at bronze medalist, bibigyan ng cash incentives na P6,000, P4,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod, sa bawat weight category ay awtomatikong maglalaro sa National Championships sa Abril 14 hanggang Mayo 5.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with