^

PM Sports

Fil-Canadian hinugot ng ama

Pang-masa

PBA D-League rookie draft

MANILA, Philippines — Isang Filipino Canadian sa katauhan ni Owen Graham ang naging top pick kahapon sa first round ng idinaos na 2017 PBA D League Draft kahapon sa PBA Cafe sa Metrowalk sa Pasig City.

Ang 6-foot-4 na si Graham ay sorpresang kinuha ng AMA Online na ayon kay Titans coach Mark Herrera ay isang versatile forward.

“He can play the 2,34 and 5 position, “ paglala-rawan ni Herrera sa kanyang bagong player.

Naging second overall pick naman si Jerrick Balanza na kinuha ng kanyang coach na si Jeff Napa para sa Wang’s-Letran. Pangatlo naman si Allan Richard Martin na kinuha ng Batangas -Emilio Aguinaldo College.

Para sa pang-apat na pick, kinuha naman ng Centro Escolar University si Keanu Caballero kasunod ang reigning NCAA MVP na si CJ Perez para sa Zarks Burger-Lyceum na sinundan naman ni Mohammed  Pare ng Gamboa Coffee-St. Clare.

Hindi naman sumali sa draft ang Jose Rizal University na dapat nakatoka sa 7th pick gayundin ang kapwa nila school-based teams na University of Perpetual Help at Akari-Adamson dahil nagdesisyon silang gamitin ang kanilang buong roster.

Kinuha naman ng Marinerong Pilipino bilang 8th pick si Kyle Toth,  isang 6-foot-2 Fil -Am na produkto ng California Polytechnic College kasunod si RK Ilagan para sa Che-Lu Bar and Grill-San Sebastian, JR Bellosillo para sa baguhang Mila’s Lechon at Kendrick Belgica para sa Go-for-Gold -College of St. Benilde.

Napunta naman sa se-cond round matapos kunin ng Marinero si Alvin Pa-saol habang ‘di inaasahang bumagsak sa 7th round si Arvin Tolentino na kinuha ng Che Lu-San Sebastian.

Ang iba pang mga kilalang pangalan na nakuha kahapon sa draft na umabot ng hanggang 18th round sina Abu Tratter ng La Smaller, at Vince Tolentino ng Ateneo na kapwa kinuha ng Marinero sa 4th at 5th round.

Sa darating na Enero 5 kasabay ng coaches meeting, nakatakdang isumite ng mga koponang kalahok ang kanilang final line-up.

Magsisimula ang 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Enero 18 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. FML

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with