FEU, UST booters draw
MANILA, Philippines — Nagtapos ang laban ng Far Eastern University-Diliman at University of Santo Tomas sa scoreless draw habang iginupo naman ng De La Salle-Zobel ang Ateneo, 4-2 kahapon sa pagtatapos ng first round ng UAAP Season 78 juniors football tournament sa Rizal Memorial Stadium.
Hindi naka-iskor ang laging produktibong Baby Tamaraws sa unang pagkakataon ngayong season kaya nakihati ng points ang Tiger Cubs sa defending seven-time champion.
Tinapos ng FEU ang first round na nasa liderato taglay ang 10 points, lamang ng isang puntos sa tournament newcomer na National University na nasa ikalawang puwesto taglay ang siyam na puntos.
Ang goal nina John Rey Lagura, Joshua San Die-go at Miguel Basmayor sa 44th, 58th and 62nd minute ang nagbigay sa Junior Archers ng 3-0 lead.
Naka-iskor ng isa ang Blue Eaglets mula kay Hugh Kendryx Lorenzo Soriano sa ika-76th minuto ng laro.
Ngunit naibalik ng De La Salle-Zobel ang tatlong goal na kalamangan sa tulong ni Sherwin Basindanan na naka-iskor sa ika-89th minuto ng laban bago ang goal ni Vinnie Vinculado ng Ateneo para sa final score.
Umangat ang Junior Archers sa third spot habang ang Tiger Cubs ay No. 4 na may four points.
- Latest