Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Malapit na ang PBA opening pero...

MANILA, Philippines — Ilang araw bago ang itinakdang pagbubukas ng PBA Season 43 ay hindi pa rin nareresolbahan ng Board of Governor ang isyu tungkol sa pamamahala ni Commissioner Chito Narvasa.

Kamakailan ay isang board meeting na inis-kedyul ni incoming PBA chairman Mon Fernandez ng NLEX ang biglaang ipinagpaliban.

Si Fernandez ang nangunguna sa majority bloc na binubuo ng NLEX, TNT Katropa, Meralco, Rain or Shine, Alaska, Phoenix at Blackwater habang nasa minority group naman ang San Miguel, Barangay Ginebra, Magnolia (dating Star), Globalport at Kia.

Ikinadismaya ng majority bloc ang pagpayag ni Narvasa sa trade sa pagitan ng Beermen at Picanto sangkot si Fil-German Christian Standhardinger.

Para makuha ang No. 1 overall pick ng Kia ay ibinigay ng San Miguel sina role players Ronald Tubid, Jay-R Reyes at Shawn McCarthy at isang future draft pick.

Ginamit ng Beermen ang naturang top pick para kunin ang 6-foot-8 na si Standhardinger, nauna nang pumirma ng six-month contract para sa Hong Kong Eastern Long Lions sa ASEAN Basketball League.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dahil dito ay inihayag ng majority bloc ang ‘vote of no confidence’ sa pagbibigay ng panibagong termino kay Narvasa bilang PBA Commissioner.

Ang taunang planning session ng PBA Board sa United States noong Nobyembre ay hindi dinaluhan ng ilang miyembro ng Board of Governors.

Dahil sa kawalan ng quorum ay nabinbin ang pag-aapruba ng PBA Board ang iskedyul sa pagbubukas ng 43rd season sa Disyembre 17 at wala pang pormal na announcement hanggang sa sinusulat ang balitang ito.

Di pa rin pinopormalisa ang  pag-lilipat ni outgoing chairman Mikee Romero ng Globalport ng league chairmanship kay Fernandez.

Sa idinaos na PBA Press Corps Annual Awards Night kamakailan ay na-ngako si Romero na reresolbahin ang isyu at ang sigalot sa PBA Board.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: