Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Cavs 13-sunod na panalo na LeBron humataw na naman

Tumira si Cleveland Cavaliers forward LeBron James laban kay Sacramento Kings forward JaKarr Sampson .

CLEVELAND – Umiskor si LeBron James ng 32 points nang igupo ng Cavs ang Sacramento Kings, 101-95 Wednesday para sa kanilang ika-13-sunod na panalo.

Pinantayan nila ang franchise record para sa pinakamahabang winning streak na naitala noong March of 2009 at noong January at Februa-ry ng 2010.

Ngayong summer itinala ng Cleveland Indians ang American League record na 22 sunod na panalo. Muntik nang mahinto sa 12 ang streak ng Cavs.

Nagdagdag si Kevin Love ng 18 points at 13 rebounds. Umiskor si Jeff Green ng 17 off the bench habang si Kyle Korver ay may 15 points. Ang Cavs ay umiskor ng hindi bababa sa 100 points sa ika-18-sunod na laro.

“We don’t really talk about the (winning streak) streak,” sabi ni Korver. “I think everybody feels really good in their role right now. And everyone’s excited to play every night. Guys are locked in. And it’s the old cliche of take it one game at a time, but we’re enjoying each game right now as a team. As long as we keep doing that, we think we have a great team and we should keep on winning.”

Lumamang ang Kings ng hanggang 14  sa third quarter at angat sa 95-93 may 3:18 minuto ang natitira.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Umiskor si James ng skyhook sa huling 1:35 minuto ng laro na naglagay sa Cleveland sa 97-95 at ang kanyang stepback 3-pointer sa huling 15.8 seconds ang tumapos sa Kings.

“It felt good,” ani  James, na nagsabing alam niyang papasok ang kanyang 3-pointer. “I was able to get the laces where I wanted them and I got enough space, I created enough space with the stepback away from JaKarr (Sampson) and I was able to let it go. It felt good the whole time.”

Tumapos si James, ang reigning Eastern Conference player of the week at player of the month, ng 11 rebounds at siyam na assists. Tumira siya ng 12-of-18 mula sa field at 5-of-8 mula sa 3-point range. Sa kanya ang pito sa 15 turnovers ng Cavs.

Muntik na uling naka- triple double si James laban sa Kings matapos itong magposte ng 24 points, 13 rebounds at 11 assists sa overtime loss kontra sa Sacramento dito noong Jan. 25.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: