Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Westbrook walang makaawat

Tumira si Russell Westbrook ng Oklahoma sa harap ni Ricky Rubio ng Utah.

OKLAHOMA CITY - Itinala ni Russell Westbrook ang kanyang pa-ngatlong triple-double sa huling limang laro matapos magtala ng 34 points, 14 assists at 13 rebounds at akayin ang Thunder sa 100-94 panalo laban sa Utah Jazz.

Ang six-time All-Star ay mayroon nang pitong triple-doubles ngayong season.

Nagdagdag naman si Paul George ng 21 markers habang si center Steven Adams ay naglista ng 20 points mula sa nine-of-10 fieldgoal shooting at humablot ng rebounds.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Oklahoma City (11-12) na lahat ay laban sa kanilang mga playoff contenders.

Sa Portland, nagpasabog si Washington Wizards shooting guard Bradley Beal ng 51 points buhat sa 21-of-37 shooting para gibain ang Trail Blazers, 106-92.

Nagpasok si Beal ng 21 field goals  kasama ang limang tres laban sa Bla-zers na isa ring career high at lumamang ang Wizards ng hanggang 23 points na pinakamalaking iniskor sa Portland ng kalabang player.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa Phoenix, tinalo ng Toronto Raptors ang Suns, 126-113 kung saan nagkaroon si star shooting guard Devin Booker ng groin injury sa fourth quarter at hindi na nakabalik sa laro.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: